Categories: Miscellaneous

Kung Pinoy si Noah

Ganito ang mangyayari sa barko

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing “Pagkataposng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba’t ibang kapuluan.” Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha. Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, “Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?” Tumugon si Noah, “Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo .”At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor’s permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike. Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay. Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng. Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado “in aid of legislation”. Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo. Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state. Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan “Towards a Strong Republic”. ” Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto.” Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, “Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito.”

At doon nag tapos ang kwento.

SOURCE: DOST-SEI Online Community
URL: http://www.dostscholars.com/boards/viewtopic.php?t=427

jehzlau

I'm a newbie web developer

View Comments

Share
Published by
jehzlau

Recent Posts

Convert your WordPress blog into a mobile app for free

If you're already an expert in "Progressive Web Apps" and you already have a mobile…

April 7, 2018

Philippines ranked 5th in Bitcoin volume by currency

Yep, you read it right. The Philippine currency (PHP / Pesos) ranked 5th in the…

November 3, 2017

Where to withdraw your Bitcoins in PH after the SegWit2x Hard Fork this November?

If you're using Coins.ph to convert your BTC to Philippine Pesos like me, then you…

October 22, 2017

Poloniex 101: Newbie’s Guide to Buying and Selling Cryptos in Poloniex

If you're already trading cryptos, then this post is NOT for you. This is a…

August 30, 2017

Why you should NOT buy Bitcoins from Coins.ph

I love Coins.ph, it's convenient to buy mobile load, pay bills, and to send cash…

May 23, 2017

Buy Ethereum’s ETH/ether in the Philippines

February 1, 2018 UPDATE The ETH wallet in the coins.ph Android app is now open…

May 1, 2017