TALUMPATI – isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Talumpati 001: Ang Pagdating ni Ninoy:
Ako ay bumalik sa aking sariling pag papasya upang sumali sa mga taong nag papa ka hirap para maibalik ang ating karapatan at kalayaan sa mabuting paraan.
Wala akong hinahanap na digmaan. Ako lamang ay nagdarasal at ginagawa ko ang aking makakaya para sa hustisya ng ating bansa.
Ako ay handa sa ano mang pangyayari at ako ay nakapag desisyon salungat sa kagustuhan ng aking ina, aking taga pag payong espiritual, aking mga kaibigan at mga kasama sa pulitika.
Kamatayan ang naghihintay sa akin. Simula pa nung umalis ako ng Pilipinas tatlong taon na ang nakalipas, ako ay tinakda nang patayin kung babalik man ako ng Pilipinas.
Pwede naman akong mag tago sa Amerika habang buhay, pero nararamdaman ko na obligasyon kong ipag tanggol ang Pilipinas, kasi ako ay Pilipino at ito ay obligasyon ng bawat Pilipino. Nais kong mag sakripisyo kasama ang aking kapwa Pilipino sa panahon ng krisis.
Hindi ko mapapangako na malutas agad krisis sa gobyerno. Ako ay kusang-loob na bumalik na may malinaw na budhi at matibay na pananampalataya na sa katapusan, katarungan parin ang mag tatagumpay.
Maaari po kayong mag subscribe sa amin upang magkaroon kayo ng sariling kopya ng pahinang eto at mabalitaan kayo sa mga bagong balita sa blog na ito. Maraming salamat po.
Subscribe via e-mail to get more updates about Ano ang Talumpati at mga Halimbawa nito.
If you're already an expert in "Progressive Web Apps" and you already have a mobile…
Yep, you read it right. The Philippine currency (PHP / Pesos) ranked 5th in the…
If you're using Coins.ph to convert your BTC to Philippine Pesos like me, then you…
If you're already trading cryptos, then this post is NOT for you. This is a…
I love Coins.ph, it's convenient to buy mobile load, pay bills, and to send cash…
February 1, 2018 UPDATE The ETH wallet in the coins.ph Android app is now open…
View Comments
maraming salamat po
walang anuman :D
hala ka jehz, kalkalin mo yung mga talumpati natin sa baol na minana pa natin sa mga kalolohan natin. :=
hahaah! oo nga eh. hirap maghanap ng talumpati nowadays. :huh:
hello po kailanga n ko po kasi ng talumpati sa pilipino subject namin sa friday na kailangan! kailangan po memorize!! kahit ano daw pong paksa pwede! pwede po bang pagawa aq!! please!!! po
:sad: kailangan ko po ng talumpati ol about wika.. asap na po..
please!
mukhang mahirap yan ah.. pero try nating hanapin :)
thanks!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :razz:
ei, pede pahingi ng mga Talumpati na may 7 saknong tapos 4 yung sukat and tugma. Need kasi siya for our project in Filipino. thanks :razz: pasend po sa email-add ko..
7 saknong tapos 4 yung sukat and tugma?? hehehe.. mukhang mahirap yan ah.. kahit e google mo cguro mag damag mahihirapan ka.. hehe :D
pahinig p ng tagalog na talumpati kahit 5 lang po... thank you very much po....
:mad: :mad: pwd lang mang henge nang number mo??????
pahingi nga poh ng alumpati na maganda.......para po sa buwan ng wika..sana poh may maibigay kayo sakin...tnx poh
hello po, pwede po bang humingi ng talumpati na filipino,please help .thanks
i need tagalog n talumpati good for 4 mins. only about sa wika mo wika ko wika ay mahalaga :shock:
mahirap talaga mag hanap ng talumpati nowadays.. kahit sa fully booked wala silang libro ng talumpati.. woooooooooot! :???:
:razz: oo nga eh..........mahirap talaga mag hanap ng talumpati ngayun..............hahahay..........
lalo na pag my project kayo.
:( phingi nman pfuh ng talumpati now n kialngan pfuh bgo bawal pfuh kc ang prehax n talumpati tnx pfuh......
:cry: pahingi nmn po ng 6 na halimbawa ng tagalog na talumpati pls?
penge nmn poh sample ng talumpati about wika..plz... i really nid it asap..
:???: :oops: :razz: :shock: :???: :cool: :evil: :grin: :idea: :wink: :cry: :eek: :lol: :mad: :sad: :!: :?:
pwede poh bigyan nyo poh ako ng tagalog na talumpati!!!!!! mga 500 words lang poh maraming salamat!!!!!!!!!!! :wink:
Sa Kabataan
Onofre Pagsanghan
- I -
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang “nabansot.” Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.
Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni “Bondying” ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang “Tarzan” at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.
- II -
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.