Maraming salamat po sa Hulog Piso Gang, dyan sa may Buendia, Pasay, at basta sa mga lugar sa gilid ng Makati. Dahil sa inyo, may cellphone parin ako, at wallet. Kasi di niyo kinuha ito, ang bait bait bait bait bait niyo talaga kasi sim card at battery lang kinuha ninyo. Sana sinali niyo nalang ang cellphone! at iniwan ang sim card, mahalaga pa naman yung number ko sa sim card ko… pati mga contacts ko.. pero need ko po talaga yung number, sana kung isa ka sa mga member ng hulog piso gang na kasabwat sa pagnakaw ng Globe Sim card ko na may numerong 09274715311, paki balik naman po, main globe number ko po kasi yan, at need ko po ang number na yan, yan pa yung gamit kong number mula 4th year high school hanggang ngayon, kainis talaga sobra! huhuhu.. tanga tanga tanga ko talaga grabe, ang talino niyo, ako mukhang bobo, para piso lang pinansin ko pa… kayang kaya niyo naman pulutin yun nasa baba ng paa ko, inalis ko pa paa ko para mapulot niyo, hindi niyo pa pinulot, galing din ng technique niyo nO?? mga hayop kayo hulog piso gang! humanda kayo! gagawa ako ng battery na may bomba, para pag biniktima niyo ulit ako, pasasabugin ko ang battery, para wasak wasak kayo, ang utak niyo, mga bituka niyo, at mga laman niyo, wasak wasak sa daanan ng Buendia, lagot kayo sa akin!!! grrrrrr! pero kung gusto niyo pang ibalik ang sim ko, okey lang din, contact niyo nalang ako sa smart number ko bukas andyan naman sa Sim ko eh, Jehzeel ang pangalan ko dyan, bibilhin ko sa inyo ng 500 pesos ang sim card, sa inyo na ang battery, kahit etong cellphone pa ibigay ko sa inyo, ibalik niyo lang ang sim card ko, pag ayaw niyong ibalik, nasa sa inyo nalang yan, galing niyo din no? at ang tanga ko, nabalik niyo pa ang cellphone ko sa bulsa ko na walang ka malay malay nakuha na pala ang battery! waaaaaaaatda! pakshet talaga! grrrrrrr! buti sinabi ng katabi ko na may nakita siya nag palit ng battery, di nya lang sinabi agad kasi baka ang may ari ng battery ay hindi ako, naging sure nalang siya na akin pala talaga ang battery kasi pag check ko ng cellphone ko, empty na, nakapag tataka, wala na palang battery!!! waaaaa!!! kala ko talaga empty na.. huhuhu.. at ang cellphone ko din pala ay pahulog na sa bulsa ko, salamat sa ale na nagsabi sa akin na mahuhulog na cellphone ko, kung di dahil sa kanya di ko mababalik ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko, at salamat muli sa hulog piso gang, dahil sa inyo, andito parin ang cellphone ko.. maraming maraming maraming salamat po … 🙂
If you're already an expert in "Progressive Web Apps" and you already have a mobile…
Yep, you read it right. The Philippine currency (PHP / Pesos) ranked 5th in the…
If you're using Coins.ph to convert your BTC to Philippine Pesos like me, then you…
If you're already trading cryptos, then this post is NOT for you. This is a…
I love Coins.ph, it's convenient to buy mobile load, pay bills, and to send cash…
February 1, 2018 UPDATE The ETH wallet in the coins.ph Android app is now open…
View Comments
good luck naman sa mga tata***ta*** jan. hehehhe.. ok lang yan. hanapin mo na lang yung sim case nyan. hhehehe
bwiset na hulog-piso gang yan! yaan mo na, isipin mo nalang mas nangangailangan sila at dobleng balik ng blessings sa iyo. Happy Wednesday!
hala. kawawa ka naman. pero astig din sila, ano? what if punta ka kaya sa globe tapos pagawa ka ng number na pareho ng number mo? idedeactivate naman ata nila yung una eh. at least, di na nila magamit.
ang kakatakot lang nun ay kung gamitin ang mga number mo for really wrong reasons. tulad nito. malay mo, di ba?
anyway, ingat ka. wag papadala sa piso. buti siguro kung limang libo. sosyal ka nun!
ung cel mapapalitan, pero yung sim, di yata. baka alam nila na isa ka sa nananalo ng promo at na-load sa sim mo yung isang libo. convert to cash, or papa-eload nila yun. naku.. sana nga maisauli yung sim kahit wala nang load. alam mo jehz, in-add mo na lang sana ako sa phonebook mo...
bwahahahaha... oo nga eh.. kainis... wala na din sim pack ko nun wins.. wala na waAAAAAAAAAAAAA!!! badtrip.. gagawa me paraan.. papa upgrade ng sim... sinong may lumang globe sim dito? :(
hahaha.. mag ingat jehz marami talagang manloloko dito sa maynila.. waaaaaaaahahahaha! ako nga na holdup na rin.. tinutukan pa ng patalim.. buti ikaw piso lang.. kaya ok lang yun... wag ka na mag magandang loob next time at pumulot ng piso.. bago pulutin ang piso.. tingnan mo muna cellphone mo kung andyan pa or pitaka mo.. hehehe... or pag may nahulog na piso.. baba ka nalang sa jeep.. dilikado na talaga ang piso ngayon... may namatay na nga dahil sa piso... wahahahah...
atomic girl.. ok yung nasa mobility watch na entry ah.. kaka takot.. pero dapat nag taka ang hubby kung bakit nakalimutan ng wife nya ang pin, yun ang butas doon.. parang di totoo.. hehehe.. kung totoo man yung kwento.. ang tanga tanga ng hubby nya.. hehehe
wait lang, pasensya na kung slow ako. paano nangyari na nakuha yung sim and batt mo tapos yung cell mo hindi? pasensya na talaga..
ang bilis ng pangyayari eh.. di ko nahalata.. basta pag check ko ng phone ko wala na battery at sim... ganun kabilis.. tapos sabi ng ale sa harap ko.. yung cellphone ko daw mahuhulog na..naka semi labas na ang cellphone ko... hehehe tapos binalik ko lang ulit sa loob ng bulsa ko.. then pag check ko ng time.. kala ko empty batt na ako. yun pala wala na battery ko :(
naku po, ganyan na ganyan talaga kung paano dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko. Dun pa naman sa Barangka sa Riverbanks nangyari. na-remind na naman ako ng katangahan ko.... di nga lang piso yung pinansin ko kundi limang-piso! whew!